Paano Maghanda Para Sa Job Interview
Kahit ano pa man ang narinig mo, hindi kakilakilabot ang mga job interviews. Karamihan sa mga tao at mas lalo na mga fresh graduates ay marahil iniisip na kalbaryo ang pag-interview: pinagpapawisan ka sa takot, hindi mo masagot-sagot nang maigi ang mga tanong, at pangiti-ngiti ka nga pero ‘di mo alam puro tinga pala ngipin mo.
Oo, maaaring mangyari ang lahat na ito sa iyo. Mauuwi ka talaga sa ganyan sa sunod mong job interview — kapag hindi ka naghanda ng maayos. Inilista namin ang ilang mga bagay na puwede mong gawin para maiwasan ang ganitong mga kaganapan:
TOPICS
1. Manaliksik tungkol sa kumpanyang iyong aapplyan.
Ito ang pinakauna at dapat obvious na step na hindi dapat kalimutan ng mga naghahanap ng trabaho. Ito na ang panahon para magamit mo ang mga internet stalking skills mo. Alamin mo ang lahat ng kaya mong alamin tungkol sa kumpanyang ina-apply-an mo.
Huwag kang huminto sa website lang ng kumpanya. Tingnan mo rin ang kanilang:
- mga social media accounts
- ang mga sinulat at ulat tungkol sa kanila
- mga review ng mga customers
- ang mga blog post at status messages ng mga dati at kasalukuyang empleyado
- Kung kilala mo kung sinong mag-i-interview sa iyo, subukan mo rin silang hanapin sa Internet. Baka mas mahinahon ka kapag alam mo kung anong hitsura nila, at mas mapapadali ang pag-uusap niyo kapag alam mo rin ang mga interes niya.
Ang pananaliksik ay isa ring paraan upang matantiya mo kung gusto mo nga talaga ang ganyang klaseng trabaho.
READ: 8 Questions You Must Always Ask Your Interviewer (Part 1)
2. Magpraktis ka.
Pag-isipan mo ang ilang mga tanong na sigurado itatanong sa iyo ng taga-interview, at isipin mo na rin kung paano mo sila sasagutin. Kagaya ng:
- “Tell me about yourself.”
- “Why did you apply here?”
- “Why did you leave your last job?”
- “Where do you see yourself in five years?”
- “What salary range are you expecting?”
Kapag hindi ka pa masyadong tiwala sa kasanayan mo sa pakikipag-ugnayan, magsanay ka. Wala namang problema sa pagiging tahimik sa mga social situations, pero sa interview, dapat marunong kang magsalita.
Mas maigi na nagsasalita ka at nagpapaliwanag nang husto kaysa sa isa’t-dalawang pangungusap lang ang mga sinasagot mo sa nag-i-interview sa iyo. Sa labas ng resume mo at sa mga rekomendasyon ng reference mo, kung paano mo ipakilala at ipresenta ang sarili mo ang pinakamabisang paraan para masuri ng mga taga-interview ang ugali mo, kaya mahalaga na marunong kang makipag-ugnayan nang maigi.
Pwede kang makipag-praktis sa kaibigan mo, o sa harap ng salamin. Pwede mo rin i-record ang sarili mo habang nagsasalita, at kung video recorder ang gamit mo ay pwede mong panoorin ang sarili para makita mo kung mayroon kang mga galaw na hindi kanais-nais pero kinaugalian mo na.
Alamin mo ang pinakamabisang pagsanay para sa iyo, at gawin mo ito nang madalas bago dumating ang araw ng interview.
RELATED: The Best Answer to the Interview Question — “Tell Me About Yourself”
3. Maghanda ka nang lubusan isang araw bago ng interview.
Kapag bukod na ninenerbyos ka sa interview mo, paghandaan mo siya sa mga araw bago ka pa mag-interview. Ang ilan sa mga pwede mong gawin ay:
- Ihanda mo na ang damit na susuotin mo sa interview, at pag-isipan mo ng ilang beses kung ganyan nga ba ang outfit na magbibigay ng mabuting impresyon sa mga tao.
- I-print mo na ang iyong resume/CV, at kung ano pa mang mahalagang dokumento para sa interview.
- Isang araw bago ng interview mo, pag-aralan mo na ruta ng iyong pag-commute at kung gaano kalubha ang trapik na madadaanan mo. Dapat pilitin mong dumating nang maaga.
Sa paghahanda mo sa mga maliliit na detalye para sa araw na iyon ay makakatulong sa iyo na isipin na walang kakaiba sa araw ng interview mo.
4. Pagaanin mo ang loob mo.
Mas higit kang maapektuhan ng mga negatibong saloobin kapag mahina ang tiwala mo sa iyong sarili — halimbawa na lang, habang nag-aantay ka sa reception area para sa interview mo. Kapag ninenerbyos ka talaga bago ng iyong interview, subukan mong iklaro ang iyong isipan at magpokus. Huminga ka ng malalim, o pansinin mo nang masinsinan ang mga tunog sa sanlibutan, at bawat beses na may pumasok na negatibong saloobin sa utak mo, bumalik ka sa pagpokus sa mga tunog na pinakamalapit at pinakamalayo sayo.
Ang pagiging kalmado sa harap ng pagkabalisa at sa mga nakakatarantang sitwasyon ay isang husay. Hindi ka magkakaproblema sa pagiging kalmado kapag pinaghandaan mo nang mabuti ang interview mo. Isipin mo, na kahit anong mangyari, ang bawat interview ay isang pagkakataon upang matuto. At malay mo — ang sunod na interview mo ay maaaring maging unang pakikipag-ugnayan mo sa bagong katrabaho.
Ano ang mga ginawa niyo para paghandaan ang mga interview niyo? I-comment niyo lang sa baba!
Isinalin ang blog post na ito galing sa Ingles na artikulo ni Krisha Maclang.
No comment available yet!